Pang. Duterte kabilang sa cover ng Time Magazine International edition

Isa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mapalad na mapabilang sa cover ng international edition ng Time Magazine.

Sa latest issue ng Time Magazine, kasama ni Pangulong Duterte sa cover magazine sina Russia President Vladimir Putin, Hungarian Prime Minister Viktor Orban at Turkish President Recep Tayyip Erdogan.

Tinawag silang “Rise of the Strongman” ng sumulat ng article na si Ian Bremmer.

Laman ng nasabing article ang pagnanais ng bawat tao ng mas muscular and assertive leadership.

Ilalabas ang nasabing edition sa Mayo a-katorse ng taong ito.-news.smni.com

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *