Ex-Sen. Marcos, inakusahan ni VP Robredo na nagpalaganap ng panibagong fake news.

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na nagmumula sa kampo ni dating Senador Bongbong Marcos ang paglaganap ng fake news laban sa kanya.

Ginawa ng bise presidente ang pahayag sa kanyang talumpati sa harap ng mga miyembro ng Integrated Bar of the Philippines Central Luzon Regional Conference and Mandatory Continuing Legal Education sa Pampanga.

Kasunod ito ng mga impormasyong nadagdagan pa ang bilang ng botong nabawas sa kaniya laban kay Marcos.

Sinabi ni Robredo na ang mga pekeng balita ay galing sa PR machinery ni Marcos na kinagat naman ng ilang mamamahayag at pahayagan.

Wala pang pahayag ang dating senador kaugnay sa isyu.-news.smni.com

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *