Pamahalaan, maglalabas ng P490-M para sa road rehab sa Boracay

Ngayong linggo na inaasahang matatanggap ng Department of Budget and Management (DBM) ang halagang P490-M upang gamitin sa road rehab project sa isla ng Boracay.

Manggagaling sa savings ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nasabing pondo at agad din itong gagamitin oras na maaprubahan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon pa kay Diokno, malaking tulong ang nasabing pondo para pabilisin ang pagsasaayos sa mga daan sa isla partikular na ang circumferrential road na kailangang tapusin sa loob ng anim na buwan.

Bukas naman ang pamahalaan na maglaan pa ng karagdagang pondo para sa road project sakaling kulangin ang budget nito na kukunin naman sa calamity fund ng gobyerno.

Samantala, nauna nang na-releasan ang Department of Labor and
Employment (DOLE ng) mahigit sa P400-M para ayudahan ang mga apektadong residente ng isla.

Muli namang nilinaw ng pamahalaan na walang kinalaman sa mga ayuda ng pamahalaan ang mga iligal na naninirahan sa isla.-news.smni.com

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *