Mahigit 4, 000 aplikante, napagkalooban ng trabaho

Dinagsa ng libu-libong mga aplikante ang mahigit tatlumpung Labor Day job fair sa buong bansa.

Base sa pinakahuling datos ng Department of Labor and Employent (DOLE), nasa 34,359 ang updated count ng mga aplikante sa nationwide job fair nitong Labor Day kung saan 23,844 dito ang nag-apply para sa local vacancies habang 4,939 applicants naman para sa overseas employment.

 Sa nasabing bilang, 20,622 job applicants ang kuwalipikado sa aplikasyon na karamihan ay sa local vacancy pumasa.

 Nasa 20.4 % naman sa kabuuang aplikante ang maswerteng na-hired on the spot na binubuo ng 4,304 na mga aplikante.

Ang manufacturing sector ang nagbigay ng pinakamaraming job vacancies sa mahigit isanlibong employers na nakiisa sa jobs fair.

Kabilang sa mga pinilahan at pinuntahan ng mga job seekers sa bansa at abroad ang job fair sa ilang malls, municipal at cityhalls sa iba’t ibang bahagi ng bansa, lalo na sa Metro Manila at Region 3.

Sa kalakhang maynila, ilan sa dinagsa ng mga aplikante ang Quezon Cityhall grounds, Valenzuela Astrodome at Taguig City.

Ayon naman sa DOLE, inaasahang madaragdagan pa ang bilang sa oras na maisumute ng kanilang mga regional offices ang update sa naganap na job fair.

Sa susunod buwan ay marami pang job fair na gagawin ang DOLE tulad na lamang ng Build-Build-Build Job Fair sa buwan ng Hunyo na gaganapin sa Pasay na inaasahang magbibigay ng maraming trabaho sa construction sector at iba pa.-news.smni.com

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *