Labor situation sa bansa, tututukan ng pamahalaan

Patuloy na tututukan ng gobyerno ang pag-angat sa labor situation ng bansa.

Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng pahayag ng IBON Foundation na tumaas ang bilang ng mga underemployed at part-time workers ngayong taon.

Ayon kay Roque, bagama’t tumaas ang bilang ng mga underemployed at part-time workers sa buwan ng January 2018 kumpara noong nakaraang taon ay kapansin-pansin naman aniya na mas mataas ang bilang ng employed persons na 41.8 milyon nitong Enero mula sa 39.3 milyon noong nakaraang taon sa parehong buwan.

Ibinida pa ni Roque ang pag-angat ng employment rate sa 94.7% nitong January 2018 mula sa 93.4% noong January 2017.

Bumaba naman ang bilang unemployment rate sa 5.3% nitong January 2018 mula 6.6% noong January 2017.

Gayunpaman, hindi magiging kampante ang pamahalaan hangga’t may nakikita pang problema pagdating sa labor situation ng bansa.

Kung kaya, magiging aktibo pa ang gobyerno sa paglikha ng mga programang higit na makatutulong sa mamamayang Pilipino.

Una rito, inihayag ng IBON Foundation na batay sa official labor force data ay umakyat sa 7.5 milyon ang under-employed nito lamang Enero kumpara sa 6.4 milyon sa kaparehong panahon noong isang taon.

Tumaas din anila ang bilang ng mga nasa informal sector work na 16 miyon nitong Enero kumpara naman sa 14.6 milyon noong Enero taong 2017.

Giit ng IBON Foundation, indikasyon anila ito na lumalala na ang jobs situation sa bansa.

Nilagdaang EO ng pangulo laban sa kontraktwalisasyon, inilabas na.

Inilabas na ng Palasyo ang kopya ng Executice Order (EO) No. 51 na nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa kontraktwalisasyon.

Sa loob ng nasabing EO, mahigpit na ipagbabawal ang kontraktwalisasyon o yung end of contract at subcontracting.

Titiyakin din nito ang karapatan ng isang manggagawa sa ilalim ng security of tenure.

Hindi naman papayagan sa naturang batas ang biglaang pagsibak sa isang manggagawa at kinakailangang dumaan ito sa due process.

Inaatasan naman ng pangulo sa ilalim ng naturang executive order ang Department of Labor and Employment (DOLE) na ipatupad ang naturang EO.

Magugunitang nilagdaan ng pangulo ang naturang EO kasabay ng paggunita ng Labor Day.

Senado, bukas sa pag-amyenda sa Labor Code.

Bukas ang senado sa pag-amyenda sa Labor Code.

Sa panayam ng SMNI News Channel kay senador JV Ejercito, sinabi nito na maraming kailangang baguhin para maprotektahan ang mga manggagawa.

Bukod aniya sa pagpapa-amyenda ng pangulo sa labor code ay prayoridad din ng senado ang security of tenure at ang pangangalaga sa kapakanan at benepisyo ng mga manggagawa.

Ayon kay Ejercito, kahit papaano ay kumilos na ang pangulo at inendorso sa kongreso ang kontraktuwalisasyon na isa sa ipinangako niya noong kampanya.

Sinabi ng mambabatas na mas makabubuting suportahan ang mga programa ng pangulo dahil ang tagumpay ng pangulo ay tagumpay ng lahat.

Aniya, itutuloy ng senado ang pagpasa ng batas na tutuldok sa labor abuses at magpo-promote sa karapatan ng mga manggagawa sa security of tenure.-news.smni.com

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *