Kaso nina Mark Taguba at Richard Chen at 7 iba kaugnay sa P6.4b shabu shipment ibinasura

Pinaburan ng Valenzuela City Regional Trial Court ang mosyon nina Mark Taguba, Richard Chen at 7 iba pa na mabasura ang isinampang kaso sa kanila kaugnay ng P6.4b shabu shipment na narekober sa Valenzuela City noong nakaraang taon.

Sa inilabas na resolusyon ng Valenzuela RTC branch 284 sa sala ni Judge Arthur Melicor, dinismiss o ibinasura nito ang kasong may kaugnayan sa iligal na droga laban sa mga akusado.

Ayon kay Judge Melicor, maituturing na forum shopping ang ginawang pagsasampa ng kaso ng Department of Justice (DOJ) laban sa mga akusado matapos sampahan ng parehong kaso ang mga ito sa Manila RTC.

Dagdag ni Melicor, hindi maaaring ihiwalay ang kasong transportation and delivery of illegal drugs sa drug importation dahil bahagi aniya ito ng importation process at labag din aniya ito sa double jeopardy.

Matatandaan naman na una ng ibinasura ang isinampang kaso laban kay  Taguba at walong iba pa ng Valenzuela RTC kaugnay  sa pagdedeliver ng iligal na droga na aabot ang halaga sa higit anim na bilyong piso.-news.smni.com

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *