COMELEC, may paalala sa pagboto ngayong Barangay at SK elections

Nagbigay babala ang Commission on Elections o COMELEC sa mga botante ngayong nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 14.

Kasunod na rin ito ng ilang napansing pagkakamali ng mga botante sa isinagawang simulation activities kung saan nailalagay ng mga botante ang pangalan ng SK candidates sa balota para sa mga kandidato sa barangay positions o vice versa.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, dapat tiyakin ng mga boboto na tama ang pagsusulat ng pangalan ng kanilang iboboto para maiwasang masayang ang kanilang boto.

Dapat din aniyang tandaan na ang balota para sa SK ay pula ang imprenta habang itim naman ang mga balota para sa barangay.

Samantala, bukas nakatakdang magsimula ang pangangampanya na magtatapos sa Mayo 12.-news.smni.com

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *