COA report sa ads ng DOT sa PTV-4, hindi pa pinal – Atty. Topacio

Hindi pa pinal ang report ng Commission on Audit (COA).

Ito ang sinabi ng abugado ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo na si Ferdinand Topacio.

Ayon kay Topacio, hindi ang Department of Tourism (DOT) ang kinukwestyun ng COA kundi ang paglalagay ng advertisement ng PTV-4 sa Bitag Media Unlimited Incorporated (BMUI).

Paliwanag nito, walang tinukoy na partikular na show ang DOT para sa kanilang ads.

Pinili aniya ng PTV ang Bitag para paglagyan ng patalastas dahil sa mataas na ratings.

Una na ring sinabi ni Teo na pumasok ang DOT sa kontrata sa PTV at hindi sa producer ng Bitag dahil ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte ay suportahan ang government station.-news.smni.com

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *