Higit 900 na kandidato sumailalim sa drug test

Sumailalim sa drug test ang higit 900 kandidato para sa Barangay at Sangguaniang Kabataan Elections sa Ilocos Norte.

Ayon kay Ilocos Norte PNP Chief Senior Supt. Cesar Basioeng, karamihan sa mga sumailalim sa drug testing ay mula sa bayan ng Bacarra na umabot sa 893.

Ipinagmalaki naman ni Basioeng na negatibo ang resulta ng lahat ng mga kandidato na sumailalim sa drug test.

Kinumpirma naman ng opisyal na dalawa sa mga drug surrenderer mula sa Bacarra ang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa pagka-barangay kagawad.-news.smni.com

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *