Tiniyak ng DSWD na may sapat na pondo ang mga manggagawa sa Boracay

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may sapat na pondo ang kagawaran sa pagbibigay tulong sa mga manggagawang nawalan ng trabaho sa pagsasara sa isla ng Boracay.

Ginawa ng DWSD ang pahayag matapos na pansamantalang itigil ngayong araw ang pamamahagi ng transportation allowance sa mga manggagawa sa isla.

Tinatayang nasa P5,000 ang ibinibigay na tulong ahensya maliban pasa meal allowance na ng mga ito.

Base naman sa huling datos ng ahensya, umabot na sa mahigit na P4-M ang na ilabas nilang pondo para sa 2, 047 manggagawa.

Bukas, nakatakdang ituloy ng ahensya ang mamahagi ng transportation allowance.-news.smni.com

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *