Cavs, pasok na sa semis ng NBA playoffs

Hindi naging madali para sa Cleveland Cavaliers na takasan ang kanilang do or die game kontra Indiana Pacers sa homecourt ng Cavs kanina.

Ito’y dahil nakipagsabayan ng husto ang Pacers sa laro makapasok lang sa semifinals ng NBA playoffs sa Eastern conference.

Nagawa pang maitabla ng Pacers ang laro sa 3rd quarter.

Pero nagtapos ang laro pabor sa Cavs sa iskor na 97-101.

Nanguna sa Cavs si Lebron James sa kanyang 45 points, 9 rebounds, at 7 assists.

Nag-ambag naman si Tristan Thompson ng 15 puntos at 14 na puntos mula kay Kevin Love.

Si Victor Oladipo naman ang umakay sa Pacers para maging dikit ang laban sa kanyang 30 pts at 12 rebounds.

Nag-ambag naman si Darren Collison ng 23 puntos at Thaddeus Young ng 14 na puntos para sa Pacers.

Susunod na makakalaban ng Cavs ang Toronto Raptors.-news.smni.com

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *