Nuclear test site ng North Korea isasara na

Nakatakda nang ipasara ni North Korean leader Kim Jong-Un ang kanilang nuclear test site sa susunod na buwan.

Ito ang inanunsyo ng South Korean Senior Spokesman ni South Korean President Jae-In matapos ang makasaysayang ASEAN Summit noong Biyernes sa Singapore.

Ayon sa South Korea, inimbita ng North Korea ang mga eksperto at mamamahayag mula South Korea at United States para saksihan ang tuluyang pagpapasara sa nuclear site.

Matatagpuan ang pinaniniwalaang main nuclear facility ng North Korea sa Mountainous Terrain sa bahagi ng North-East.

Samantala, nakatakda namang makipagpulong si Jong-Un kay U.S President Donald Trump sa susunod na buwan.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *