MRT at PNR, may libreng sakay sa mga manggagawa bukas

Kasunod ng paggunita sa Labor Day bukas, magpapatupad ang Metro Rail Transit at Philippine National Railways ng libreng sakay sa lahat ng manggagawa.

Sa abiso ng MRT-3, magsisimula ang libreng sakay mula alas siyete ng umaga hanggang alas nuebe ng umaga at mula naman alas singko ng hapon hanggang alas siyete ng gabi.

Sa abiso naman ng PNR, magsisimula ang libreng sakay mula alas-6:07 ng umaga hanggang alas-7:37 ng umaga para sa mga patungong alabang.

Mula alas-5:46 ng umaga hanggang alas-7:30 ng umaga naman sa mga patungong Tutuban.

Sa hapon, ang biyahe patungong Alabang ay libre sa pagitan ng alas-4:07 ng hapon hanggang alas-5:37 ng hapon.

Sa mga patungong Tutuban ay alas-4:00 ng hapon hanggang alas-5:30 ng hapon ang libreng sakay.

Upang ma-avail ang naturang free ride, ay kailangan lamang iprisenta ng mga empleyado mula sa pampubliko at pribadong sektor ang kanilang i.d.-news.smni.com

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *