Alab Pilipinas, isang panalo nalang

Isang panalo nalang at magiging kampeon na ang San Miguel – Alab Pilipinas kontra Mono Vampire Thailand sa best-of-five championship series ng 2017-2018 ASEAN Basketball League

Muling maghaharap ang dalawang koponan para sa game 4 ngayong araw 4:00 PM (Philippine time) na gaganapin sa teritoryo ng kalaban sa stadium 29 sa Bangkok, Thailand.

Tangan ng Alab Pilipinas ang 2-1 bentahe sa serye at kapag napanalo nito ang game 4 ay magiging ikatlong Filipino team ang nasabing koponan sa nagkampeon sa Home and Away league matapos ang Philippine Patriots noong 2009 at 2010 at San Miguel Beermen sa panahon nina Asi Taulava at June Mar Fajardo noong 2013.

Tiwala ang coach na si Jimmy Alapag sa kanyang mga bata na masisikwat nila ang titulo ngayong araw ng laban ng nasabing mga koponan.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *