Labing lima patay sa pagsunog ng illegal oil well sa Indonesia

Labing lima ang patay at dose-dosena ang nasugatan sa isang malaking sunog na naganap sa isang iligal na oil well sa isla ng Sumatra, sa probinsya ng Aceh, Indonesia.

Ayon sa mga residente, bumukal ang langis sa isang lumang oil well kaya nagsidatingan ang mga tao at sinubukang kolektahin ang langis.

Ngunit ilang oras lamang ay sumiklab ang apoy sa nasabing oil well

Pinaniniwalaang sanhi ng paninigarilyo ang dahilan ng pagkasunog nito

Sinasabing pugad ng small-scale oil mining operations ang Aceh na karamihan ay mga residente ang gumagawa ng iligal na operasyon nito.

Samantala

binaril at napatay ng isang babaeng taga-Pennsylvania ang kabit ng kanyang asawa bago nito binaril ang sarili.

Nakilala ang suspek na nagpatiwakal na si Jennair Gerardot, 48 taong gulang at ang biktima na si Meredith Chapman, 33-taong gulang

Ayon sa imbestigasyon, lumusob si Gerardot sa bahay ni Chapman at binaril ang biktima bago binaril din nito ang sarili.

Bago isinagawa ang krimen ay nagpadala umano ng text message si Gerardot sa kanyang asawa kung saan sinabi nitong maghihiganti ito.

Narikober naman ng mga otoridad ang baril at dalawang basyo ng balang ginamit sa pagbaril.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *