Andrew Bogut, nagretiro na sa NBA

Hindi na maglalaro ang former no. 1 draft pick Andrew Bogut sa National Basketball Association o NBA.

Ito ay matapos kompirmahin mismo ni Bogut ngayong araw na magreretiro na siya sa NBA at planong maglaro ng dalawang season sa National Basketball League o NBL sa Australia.

Ayon sa 13 taong NBA veteran, lagi na niyang pinaplano ang pagbalik sa Australia at makapaglaro sa NBL.

Una nang inilahad ng 33 anyos na si Bogut noong Marso na hindi na siya babalik sa NBA upang manatili sa Australia kasama ang kanyang buntis na asawa.

Buwan ng Enero nang inalis ng Lakers sa kanilang line-up si Bogut, at inaasahan sana na kukunin ang free agent sa isang playoff contending team

Pero mas pinili ni Bogut na bumalik nalang sa Australia at samahan ang kanyang asawa na maselan na nagbubuntis sa kanilang ikalawang anak.

Si Bogut ay nakapaglaro ng 24 na laro sa Lakers matapos lumagda noong Setyembre at may average na 1.5 points at 3.3 rebounds.

Kinuha siya sa second half noong last season ng Cavaliers pero nainjury ang kanyang kaliwang paa.

Si Bogut ay naging first draft pick ng Milwaukee Bucks noong 2005.

Naglaro siya ng 7 taon sa Bucks bago lumipat sa Golden State kung saan siya ay nanalo ng NBA championship noong 2015.-news.smni.com

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *