Halos 500 na Grab driver, pinatawan ng parusa

Halos 500 driver na Grab Philippines ang pinatawan ng parusa kasunod ng reklamo sa hindi makatwirang ride cancellations.

Kasabay nito, humingi naman ng paumanhin si Grab Philippines Country Head Brian Cu sa mga pasahero dahil sa inconvenience.

Sinabi ni Cu na hindi nila kukunsintihin ang ganitong ugali ng kanilang driver at may ginawa silang hakbang para matugunan ang mga isyu sa kanselasyon.

Mahaharap aniya sa parusa gaya ng suspensyon at pagbabawalan na habambuhay sa platform service ang Grab driver na may sampung porsyento at pataas na cancellation rate kada linggo.-news.smni.com

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *