Nakumpiskang bigas sa Zamboanga Sibugay, iminungkahing ibigay na lang sa NFA

Iginiit ni Abra Representative JB Bernos na ibigay na lamang sa National Food Atuhority (NFA) ang mga nakumpiskang 27,000 sako ng bigas sa Zamboanga Sibugay.

Ang naturang bigas na nagkakahalaga ng P67.9M ay nakumpiska ng Philippine Navy noong nakaraang linggo sa karagatan ng Zamboanga mula Vietnam

Sinabi ni Bernos na hindi na dapat ibenta sa NFA ang smuggled rice para ipandagdag sa kanilang buffer stocks.

Kaugnay nito, isnusulong ni Bernos na madaliin ang pag-apruba sa house bill 7348 na nag-uutos na otomatikong ibigay sa NFA ang mga nakukumpiskang smuggled na bigas.

Maaari din aniya itong gamitin ng DSWD para ipamahagi sa relief ng mga biktima ng kalamidad.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *