Misamis Occ. board member Ardot Parojinog posible umanong nakatakas

Posibleng umanong kasamang nakatakas ni dating Brgy. Chairman Tarsicio Barros ang wanted na si Misamis Occidental board member Ricardo “ardot” Parojinog sa ginawang operasyon ng pulisya sa Libona, Bukidnon nitong Sabado.

Ayon kay CIDG Chief Insp. Melgar Devara, ginawa ang operasyon kasunod ng natanggap nilang impormasyon na nagtatago sa teritoryo ng pamilya Barros si Parojinog.

Gayunpaman, tiniyak ni Devara na hindi sila titigil hangga’t hindi nahuhuli si Barros at Parojinog.

Una nang itinaas ni pangulong Rodrigo Duterte sa P5-M ang reward money para sa makakapagturo sa pinagtataguan ni Ardot.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *