Hindi pagpapatupad ng dept. order ng LTFRB, kinuwestiyun

Ipinagtataka ni PBA Partylist Congressman Jericho Nograles kung bakit hindi ipinatutupad ng LTFRB ang bagong department order 2017 ng Dept. of Transportation sa pagbabawal na mangolekta ng P2/minute charges ng transport network company na Grab Philippines.

Sa ginanap na forum ng samahang Plaridel Kapihan sa Manila Hotel ay sinabi ni PBA Partylist Jericho Nograles walang karapatan ang Grab Philippines sa bagong department order ng DOTr na maningil ng P2/minute charges dahil walang kalaban-laban dito ang mga tumatangkilik ng transport network company.

Paliwanag ng mambabatas mahigpit din niyang tinututulan ang pangongolekta ng Grab sa mga driver para bayaran ang kanilang refund dahil isa itong large scale at syndicated estafa na at wala umanong piyansa para dito

Dagdag pa ni Nograles na 2 million rides per week ng grab ang kinikita ng naturang TNC pero karamihan sa kanila ay tumatangging isakay ang isang pasahero kung saan tinawag niya itong modus.

Dahil dito ipinag utos ng LTFRB noong Setyembre 2015 na tanggalin ang kapasidad ng kanilang driver na makita ang cost of trip at destinasyon ng pasahero upang maiwasan ang pagtanggi o pamimili ng pasahero ng mga driver pero hindi pa rin daw ito sumusunod ng Grab sa kautusan ng LTFRB.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *