Sec. Bello, kinumpirmang walang EO para wakasan ang endo

Kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III na walang Executive Order o EO na ilalabas si Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyang magwawakas sa End of Contract o endo scheme sa bansa.

Ayon kay Bello, napagkasunduan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Office of the Executive Secretary na suportahan na lamang ang nakaumang ngayon na panukala sa kongreso kontra endo.

Ani bello, nabatid nila pareho lamang ang laman ng isa sa mga draft EO na nakatakdang pirmahan ng pangulo at ang Security on Tenure Bill na nakaumang ngayon sa kongreso kung kaya nabuo ang concensus para iurong ang pagpapalabas nito.

Dagdag din ni Bello, malaking factor ang pagsertipika ni pangulong Duterte sa Security of Tenure bilang priority bill na inaasahang matatalakay sa pagbabalik ng sesyon ng kongreso sa susunod na buwan.

Kaugnay nito ay humihingi naman ng pang-unawa si Bello sa mga labor groups na umaasa sa EO ng pangulo sa Labor Day.

Nauna naman binanggit ni Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing ngayong araw sa Palasyo na walang EO na pipirmahan ang pangulo sa Mayo-uno.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *