P2.00 dagdag pasahe kada minuto ng Grab, pinatigil ng LTFRB

Pinatigil ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa Grab ang paniningil ng dalawang pisong dagdag-pasahe sa kada minute.

Kasunod ito ng direktiba ng ahensya sa Grab na isumite ang record trips nito mula ng ipatupad ng kumpanya ang additional fee noong July 2017

Matatandaan na una ng isiniwalat ni PBA Partylist Representative Jericho Nograles ang paniningil ng dalawang piso kada minuto ng Grab na hindi naman alam ng mga driver nito.

Sa ngayon, patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang LTFRB kaugnay sa naturang isyu.

Effective immediately naman ang naturang kautusan ng LTFRB

Samantala, umaasa naman si Nograles na matapos ang suspensyon ng additional fee ay ipag-uutos naman ng LTFRB sa grab ang refund sa dalawang piso kada minutong dagdag-pasahe na siningil ng Grab sa mga pasahero nito.

 

 

 

 

 

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *