Mga studyante mula sa indigent families sasanaying magtrabaho  

Sasanayin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kutawang ang Dept. of Labor and Employment ang mga estudyanteng galing sa mahihirap na pamilya.

Sa ilalim ng Special Program for Employment of Student (SPES) maaaring pasukan ng mga estudyante sa MMDA ang pagiging  clerks, computer operators public assistants, research assistants, records clerks, legal assistants, messengers, engineering aids, data encoders at iba pa.

Layunin ng SPES na maturuan ang kabataan sa mga mandato ng MMDA-traffic management, solid waste management, urban planning, health, public safety, environmental protection and flood control management, at public safety.

Ang mga SPES beneficiaries, ay may edad 17 hanggang 25 taong gulang, ay magtatrabaho sa loob ng 22 araw mula abril 17 hanggang mayo 17.

Tatanggap ang mga ito ng P512.00 na sahod kada araw kung saan 60% ay mula sa MMDA habang ang 40% ay mula naman sa DOLE.

Ang programa ay nasa ika-pitong taon na at isang joint project ng MMDA at DOLE na ang layunin ay hasain ang kapasidad ng mga estudyante.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *