Uber, tigil operasyon na

Tigil-operasyon na ang na ride-sharing application Uber sa bansa.

Alinsunod ito sa kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Nitong araw ng linggo ang huling byahe ng ride-sharing app sa bansa.

Ito ay matapos payagan ng ltfrb ang uber na mag-operate bilang transport network company (TNC)    bagama’t expired o paso na ang kanilang akreditasyon.

Sa ngayon ay patuloy na pinag-aaralan ng Philippine Competition Commission (PCC) ang merger deal ng Uber at Grab.

Samantala, nais ni Senad­or Sherwin Gat­chalian na bilisan ang pagpasok ng bagong Transport Network Vehicle Service (TNVS) upang hindi magkaroon ng monopolyo ang Grab sa ride-hailing services.

Ito ay matapos ang pagsanib ng Uber sa Grab sa Southeast Asia.

Sinabi ni Gatchalian na dapat bilisan ang pag-apruba sa aplikasyon ng mga kompanyang nagnanais magbigay ng serbisyo sa TNVS.

Pinababantayan din ni Gatchalian ang Grab upang matiyak na hindi na ito basta-basta nagpapataw ng mas mahal na pasamasahe.

Giit ni Gatchalian na mas maganda kung magkakaroon ng maraming kompetisyon dahil papabor ito sa mga consu­mers.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *