Tie-up ng Facebook sa Rappler at Vera Files, inalmahan

Nauunawaan ng Malacañang ang sentimyento ng mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na tutol sa desisyon ng Facebook.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na minsan ay may kinikilingang partido ang Rappler at Vera Files.

Dagdag pa nito, may kalayaan ang FB users na magpalit ng bagong platform.

Magugunitang tutol ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa tie-up ng Facebook sa Rappler at Vera Files para sa fact-checker news o pagsuri sa fake news.

Ayon sa mga opisyal ng PCOO, idudulog nila ang pagtutol sa kanilang meeting sa social media platform.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *