Mga dokumentong ginupit sa DOJ, iimbestigahan

Iimbestigahan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang giniling at ginupit na mga dokumento na nakuha sa opisina ni dating DOJ secretary Vitaliano Aguirre II.

Sinabi ni Guevarra na aalamin niya kay Aguirre kung anong klaseng dokumento ang mga giniling o ginupit ng maliliit na piraso.

Ayon kay Guevarra, tumambad sa DOJ ang kaduda-duda at mga naka-sakong giniling na papel mula sa opisina ng dating kalihim.

Hinala ni Guevarra na naglalaman ng mga subersibong dokumento ang naturang giniling na mga papel.

Pero nilinaw ni dating Justice secretary Vitaliano Aguirre ii ang mga kaduda-dudang mga ginupit at giniling na dokumento na nakuha sa kaniyang dating opisina sa Department of Justice.

Sa kaniyang statement, tinawag ni Aguirre na malisyoso ang pagkakasulat ng nasabing balita.

Depensa ng dating kalihim, hindi niya ipinag-utos sa kanyang mga tauhan na mag-shred ng mga dokumento sa huling araw niya sa DOJ.

Giit ni Aguirre, maaring ginawa ang shredding para bigyang daan ang pagpasok ng bagong kalihim.

Ayon pa kay Aguirre, ginagawa ding regular ang shredding ng mga dokumento sa iba pang pampubliko at pribadong tanggapan.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *