Masiglang government spending sa mga infrastructure, ibinida ng DPWH

Ibinida ng Malakanyang ang masiglang government spending sa mga infrastructure project sa ilalim ng “Build Build Build” Program ng Administrasyong Duterte.

Ayon kay Department of Public Works and Highways o DPWH Secretary Mark Villar, “all systems go” na ang mga kinakailangang infrastruture projects ng gobyerno para sa pagpasok ng mga bagong investment.

Kabilang na dito ang proyekto para maibsan ang matinding problema sa daloy ng trapiko sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Sinabi ni Villar na ito na ang pinakamalaking infrastructure program sa nakalipas na anim na administrasyon at pinakamalaking spending ng gobyerno sa imprastraktura.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Villar sa tulong na natanggap mula sa ibang mga bansa sa Asya para sa planong pagtatayo ng inter-island na mga tulay.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *