Kapangyarihan ng Commission on Human Rights, i-aangat sa constitutional level

Iaangat sa constitutional level ng Consultative Committee (Con-Com) na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang kapangyarihan ng Commission on Human Rights (CHR) sa binubuong bagong konstitusyon.

Sa botong 16-1, pabor ang mayorya sa panukalang gawing independent consitutional body ang CHR sa kabila ng pagiging hiwalay nito bilang Constitutional Commission sa ilalim ng kasalukuyang Saligang Batas.

Sinabi ni Con-Com chairman Reynato Puno, layon ng panukalang pagpapalakas ng kapangyarihan sa CHR ay mapalawig ang mga probisyon ng Article 3 o Bill of Rights.

Una nang napag-kasunduan ng komite na isama ang socioeconomic at environmental rights sa ilalim nito.

Gayunman, nilinaw ni puno na hindi nila bibigyan ng prosecution powers ang CHR.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *