GSIS loan para sa mga guro, puwede hanggang P500,000

Maaaring humiram ng hanggang kalahating milyong piso sa Government Service Insurance System (GSIS) ang mga kuwalipikadong guro.

Ito ay matapos lagdaan ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Department of Education (DEPED) at GSIS na sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang GSIS financial assistance loan ay bukas para sa mga DEPED teachers na may anim na porsyentong interes kada taon na maaaring bayaran hanggang anim na taon.

Unang ipatutupad ang loan assistance ng GSIS sa mga lugar ng Batangas, Bulacan, Dagupan, Naga, Cavite, Manila, Quezon City, Bohol, Ormoc City, Koronadal, Butuan City at Tagum City.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *