Fare structure at surge charging, ipaliwanag ng Grab

Ipinaliwanag ng Grab ang kanilang fare structure at basehan sa surge charging.

Sa pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa umano’y iligal na paniningil ng dalawang piso sa kada minutong biyahe ng Grab Philippines, pinagpaliwanag ni LTFRB Chairman Martin Delgra ang ride-sharing app sa ipinataw na mula 10 pesos hanggang 15 pesos sa kada kilometro na pasahe.

Tinukoy ni Delgra ang iprinesentang fare structure ng Grab at Uber noong Disyembre 2017 kung saan hindi sinama ng Grab ang time rate kada minuto.

Nilinaw ni Grab Head Brian Cu sa pagdinig na hindi sila nagpapataw ng surge sa base fare.

Samantala, panandaliang naantala ang pagdinig nang biglang sumigaw ang operator ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) at agad naman itong pinalabas para ituloy ang hearing.

Dumalo rin sa pagdinig si PBA Partylist Representative Jericho Nograles at ilang kinatawan ng Uber Philippines.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *