Britain, nahaharap sa posibleng cyber-attack mula sa Russia

Naharap ang Britain sa babala sa posibleng cyber-attack mula sa bansang Russia ayon kay UK Foreign Secretary Boris Johnson.

Nagbabala si Johnson na maaaring magbigay ng ganti ang Russia laban sa  mga sanction na ginawad ng UK matapos ang Salibury attack at ang Western-allied strikes sa Syria kung saan magiging target nito ang power networks o ang mga ahensya ng pamahalaan sa Britain.

Ang naturang babala ay bunsod na rin sa naiulat na kaugnay sa isang Russian-linked campaign na may layunin umanong magpakalat ng maling balita bilang tugon sa US-allied airtrikes sa Russia.

Una ng ipinahayag ng Pentagon na tumataas ang bilang ng Russian fake accounts na nagpapakalat ng mga maling impormasyon.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *