BI, ipinaliwanag kung bakit blacklisted si Filibeck

Ipinaliwanag ng Bureau of Immigration (BI) na blacklisted si Giacomo Filibeck, miyembro ng European Political Party dahil sa paglabag sa mga kondisyon sa tourist visa.

Ito’y nang sumama si Filibeck sa partisan political activity sa bansa noong 2017.

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na hindi nila pinapapasok sa bansa ang mga dayuhan na nagpakita ng kawalan ng respeto sa mga otoridad.

Tinukoy naman ni Immigration Spokesperson Ma. Antonette  Mangrobang ang kaso ng Dutch activist na si Thomas Van Beersum na pinadeport noong Agosto 2013 matapos sigawan ang isang pulis sa kasagsagan ng kilos-protesta laban sa State of the Nation Address (Sona) noon ni dating pangulong Noynoy Aquino.

Samantala, ipinagtanggol ng Malacañang ang pagdeport kay Filibeck.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry roque, alinsunod sa international law, desisyon ng bansa kung sino ang papayagang pumasok sa kanilang teritoryo.

Aniya, hayaan na lamang ang mga mamamayan ang magdesisyon dahil wala namang sinabing maganda ang grupong Akbayan tungkol sa pangulo.

Una nang sinabi ng Akbayan Partylist na pinapasok sa Mactan-Cebu International airport si Giacomo Filibeck, Deputy Secretary-General ng Party of European Socialists.

Nakatakda sanang dumalo si Filibeck sa dalawang araw na Akbayan Party Congress kasama ang halos dalawampung dayuhang delegado.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *