Batangas Athletics, kumpiyansang masusungkit ang top prize na P1-M (Sportsnews)

Isang panalo na lamang ang kailangan ng koponan ng Batangas Athletics upang masungkit ang top prize na P1-M at 24-inch trophy sa nagpapatuloy na  Maharlika Pilipinas Basketball League Anta Rajah Cup.

Lumamang ang Batangas kontra Muntinlupa Cagers sa best-of-five championship series sa 2-0 bentahe.

Muling maglalaban ang dalawang koponan sa Game 3 ng inaugural staging ng Maharlika Pilipinas Basketball League Anta Rajah Cup na gaganapin sa Muntinlupa City Sports Complex ngayong araw, Martes.

Nagwagi ang Batangas kontra Muntinlupa sa Game 1 sa iskor na 70-64 noong Abril a-dose at sinundan sa Game 2 na may iskor na 78-74 noong Abril a-katorse, Sabado.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *