73 opisyal ng barangay, pinakakasuhan ng DILG

Inatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Office of the Ombudsman na kasuhan ang nasa pitumpu’t tatlong opisyal ng mga barangay sa bansa.

Ito ay dahil bigo umano ang naturang mga barangay official na magpatupad ng Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADAC).

Una ng nagbanta ang DILG sa mga opisyal ng barangay na kung hindi ito magtatayo ng mga BADAC sa kanilang mga nasasakupan ay tiyak na haharap ang mga ito sa kaso.

Sa tala ng DILG, nasa dalawampung porsyento o halos 8,800 na mga barangay mula sa kabuuang mahigit sa 42,000 ang nagsumite lamang ng kanilang mga drug watchlist.

Kasabay nito, hinamon ng DILG ang mga kandidato na huwag ng magtangka pang tumakbo kung matatakot lang din na labanan ang iligal na droga.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *