PNP, handang magbigay ng pabuya para sa presong pumuga

Nakahandang magbigay ng pabuya ang Philippine National Police para maaresto ang natitirang isa pang preso na pumuga sa Zamboanga City Police Station.

Naglaan ang PNP ng P50,000 para sa pagkakaaresto ng puganteng si Sulaiman Sali Amana.

Si Amana ay kabilang sa labing-anim na pugante sa nangyaring jailbreak sa detentioin cell ng Zamboanga Police noong Martes.

Una nang naibalik sa kulungan ang labing limang pumuga maliban kay Amana.

Sa ngayon ay patuloy ang pursuit operation ng mga otoridad laban kay Amana.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *