Pagsusumite ng income tax return, hanggang ngayong araw na lang

Hanggang ngayong araw na lamang ang deadline sa pagsusumite ng annual income tax return (ITR).

Una nang inihayag ni Bureau of Internal Revenue  (BIR) Commissioner Caesar Dulay na hindi na palalawigin pa ang deadline at papatawan na ng karampatang penalties ang mga late filer.

Kasama na aniya rito ang isang beses na 25 percent surcharge sa amount due at 20 percent annual interest.

Inilipat ng BIR ngayong Abril a-disi-sais ang deadline dahil pumatak sa araw ng Linggo ang orihinal na petsa ng huling araw ng ITR filing na Abril a-kinse.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *