Mga pasaherong pasaway, pinakakasuhan ng DOTr

Pinakakasuhan ni Transportation secretary Arthur Tugade sa mga opisyal ng Metro Rail Transport line 3 (MRT-3) ang mga pasahero na sumasandal at pinipilit buksan ang pintuan ng tren.

Kasunod ito ng insidente noong Biyernes kung saan libong mga pasahero ang pinababa sa Santolan-Annapolis Station Southbound matapos hindi magsara ang pinto ng tren.

Ito ay dahil isa umanong pasahero ang pilit pumasok habang sarado na ang pinto.

Sinabi ni Tugade na ang pagsasampa ng kaso ay para madisiplina ang mga pasaway na pasahero.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng MRT-3 ang insidente para matukoy ang pagkakakilanlan ng nasabing pasahero.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *