Cotabato at Isabela, itinuturing na election hotspot

Tinukoy na ng pulisya at militar ang tatlong bayan sa lalawigan ng Cotabato na “hotspot” para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Kabilang dito ang mga bayan ng Pikit, Midsayap at Pigcawayan North Cotabato.

Ito ay dahil sa mga naitalang iba’t ibang uri ng karahasan sa nakalipas na mga buwan at taon.

Samantala, pitong bayan naman sa Isabela ang napabilang sa election watchlist.

Kasama dito ang mga bayan ng  Echague, Gamu, Naguilian, Sto. Tomas, San Mariano, San Pablo at Jones.

Dahil ito sa isyu ng gun for hire, political rivalry, private armed group at naitalang karahasan sa mga nagdaang eleksyon.

Kasabay nito, mahigpit nang ipinatupad ng pulisya at militar ang COMELEC gun ban sa bansa na magtatapos sa Mayo a-bente uno.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *