COMELEC, DILG, DOH at PRC, lumagda ng kasunduan para sa Barangay at SK elections

Nilagdaan na ng Commission on Elections, Department of Interior and Local Government, Department of Health at Philippine Red Cross ang kasunduan para sa Barangay at SK elections.

Nakasaad sa Memorandum of Agreement ang mga gagampanang papel ng DILG kasama na ang mga lokal na pamahalaan at Philippine National Police.

Kasama rin sa moa renewal ang DOH at Red Cross para sa pagtatalaga ng mga health workers sa mga presinto sa araw ng halalan.

Sa pagsisimula ng election period ay ipinagbawal na ng COMELEC sa mga kakandidatong opisyal ng barangay ang pagbibigay ng mga donasyon at iba pang aktibidad na maituturing na vote buying.

Sinimulan na rin ng PNP ang pagpapatupad ng COMELEC gun ban sa buong bansa.

Samantala, tuloy pa rin ang kampanya kontra droga ng Philippine National Police kahit abala ito sa pagbibigay seguridad sa nalalapit na Barangay at SK elections sa Mayo a-katorse.

Sinabi ni PNP Directorate for Operations (DO) Chief Police Director Camillo Pancratius Cascolan na hindi maaapektuhan ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga dahil may separate PNP units ang incharge sa nasabing operasyon.

Habang ang iba ay nakatutok sa pagbibigay seguridad sa halalan upang matiyak na maging maayos at mapayapa ang eleksyon.

Ayon kay Cascalon, may mga police investigators din na naka standby para mag-imbestiga sa iba pang mga kaso.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *