5 miyembro ng BIFF, arestado sa Maguindanao

Nadakip ng mga otoridad ang limang myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao.

Kinilala ang naarestong bandido na si Kumander Sindatoc Dilna, sub-commander ni Kumander Ganny Saligan at apat nitong mga tauhan.

Nahuli ang mga rebelde matapos salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police-Special Action Force o PNP-SAF at Philippine Army ang kuta ni Dilna sa Barangay Tual Paglat Maguindanao.

Narekober ng mga otoridad sa bahay ni Dilna ang isang AR-18 M16 armalite rifle, dalawang kalibre.45 pistola at mga bala.

Sa ngayon ay inihahanda na ng pulisya at militar ang pagsasampa ng kaso laban sa mga mahuling miyembro ng BIFF.

Samantala, hindi pa makumpirma ng mga otoridad kung ilan ang nasawi at nasugatan sa panig ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF matapos na ito ay paulanan ng bomba ng militar ang kuta ng mga terorista sa probinsya ng Maguindanao.

Target ng artillery fire at airstrike ng militar ang kuta ng umano’y emir ng BIFF na si Shief Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Turaifie sa Sitio Ambiraya, Ganoy, Datu Salibo, Maguindanao.

Agad namang lumikas ang maraming mga residente malapit sa lugar sa takot na maipit sa kaguluhan.

Sa ngayon ay pinaigting pa ng joint task force central ng militar ang pagtugis sa BIFF sa Maguindanao.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *