4 pulis, huli sa pangingikil sa naarestong Egyptian national

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation ang apat na pulis na umano’y nangikil sa naarestong Egyptian national.

Nahuli sa entrapment operation sina SPO3 Ranny Litonjoa-Dionisio, PO3 Richard Osorio-Bernal, PO1 Elequiel Fernandez at PO1 Arjay Lastricia-Lasap, pawang nakatalaga  sa intelligence section ng Police Station-9 ng Manila Police District.

Base sa ulat ng pulisya, hiningian daw ng nasabing mga pulis ng dalawang daang libong piso ang Egyptian na ikinulong dahil sa iligal na droga noong Abril a-nueve.

Pero ibinaba ito sa limampung libong piso sa pamamagitan ng pag-isyu ng tseke ng Egyptian para ito makalaya.

Patuloy namang tinutugis ng mga otoridad ang iba pang kasamahan ng nasabing mga tiwaling pulis.

Inihahanda na ng mga otoridad ang pagsasampa ng reklamo laban sa mga pulis at iba pang sangkot sa kaso.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *