PBB host na sina Toni, Bianca at Mariel, nagkaroon ng mini reunion

Nagkaroon ng mini reunion ang mga dating “Pinoy Big Brother’ host na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales at Mariel Rodriguez.

Magkasama-sama ang mga ito sa isang playdate kasama ng kanilang mga anak.

Masasayang naglalaro ang kanilang mga anak sa isang mini slide na pinost sa kani-kanilang instagram account.

Ikinuwento ni Mariel sa kanyang post na hindi nagkakaroon ng pagkakataon ng makakuwentuhan sina Toni at Bianca dahil sa super likot ng kanilang mga babies.

Nakatanggap din ng negatibong komento ang larawan ng mga bata dahil makikita na busy ang mga ito sa kani-kanilang gadgets.

Dumepensa naman si Toni na hindi naman palagian ang paglalaro ng kanilang mga baby sa mga gadget.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *