TJ Miller, kinasuhan dahil sa fake bomb threat

Kinasuhan ang dating “Silicon Valley” star na si TJ Miller dahil sa fake bomb threat habang nagbibiyahe sakay ng tren patungong New York.

Makukulong ng limang taon si Miller kapag napatunayang nagkasala ito

Ayon sa pahayag ng FBI, nangyari ang insidente nakaraang Marso a-disi otso nang intensyonal umanong ipabatid ng aktor sa mga pulis ang maling impormasyon hinggil sa bomba sa loob ng tren.

Bumibiyahe noon si Miller mula sa Washington DC patungong New York nang tumawag ito sa 911 at sinabing may bomba ang isang babaeng pasahero sa loob ng bag nito.

Bunsod dito ay pinatigil ng Amtrak officials ang tren at pinababa ang lahat ng mga pasahero habang siniyasat ng mga bomb squad ang tren ngunit wala silang makitang bomba.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *