Batang Gilas, pasok sa 2018 FIBA U-17 World Cup

Mapapasama ang Batang Gilas sa prestihiyosong 2018 FIBA Under-17 World Cup na gaganapin sa Hunyo 30 hanggang Hulyo 8 sa Rosario at Santa Fe, Argentina.

Mapupunta ang Pilipinas sa Group D ‘Group of Death’ kasama ang European powerhouse teams ng France, Crotia at ang host na Argentina.

Nakahirit ng tiket sa World Cup ang Batang Gilas matapos na pumang-apat ito sa katatapos na FIBA Asia Under-16 Championship na ginanap sa Foshan Lingnan Mingzhu Gymnasium sa Foshan, China.

Kasama ng Pilipinas na pumasok sa World Cup ang FIBA Asia Champion Australia, runner-up China at third placer New Zealand.

Napunta sa Australia ang Group A kasama ang Puerto Rico, Turkey, Dominican Republic habang nasa Group B naman ang China, Mali at Serbia.

Pasok ang new Zealand sa Group C kasama ang Canada, Egypt at Montenegro.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *