Nasunog na Trump Tower sa New York, walang fire alarm

Lumalabas sa imbestigasyon ng New York Fire Department na walang fire alarm ang The Trump Tower apartment na nasunog noong nakaraang weekend.

Ayon sa fire department, maliban sa 50th floor kung saan naganap ang sunog, wala rin aniyang alarm system at fire sprinklers sa buong building.

Wala rin umanong dokumento ang building na nag-apply ito ng sprinkler installation.

Isa ang kumpirmadong nasawi sa sunog habang anim na firefighters ang nagtamo ng minor injury.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *