Lucas Matthyse, itinuturing na malaking karangalan ang laban kay Pacquiao

Itinuturing ni Argentinian World Welterweight King Lucas Matthyse na isang malaking karangalan ang makalaban ang isang boxing legend na kagaya ni Manny Pacquiao.

Nagpahayag ng kanyang excitement ang Argentinian boxer sa darating na laban nila ng Filipino World Eight-Division Champion.

Itataya ni Matthyse ang kanyang WBA Welterweight crown laban kay Pacquiao ngayong Hulyo a-kinse na gaganapin sa Axiata Arena Kuala Lumpur Malaysia.

Wala pang WBA title na napapanalunan ang 39-anyos na si pacquiao sa kanyang koleksyon ng mga championship belts.

Nakuha naman ni matthysse ang wba title via eighth-round knockout win laban kay Teerachai Kratingdaeng ng Thailand sa the forum sa Inglewood, California nakaraang Enero ng taong ito.

 

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *