Donald Trump, binanatan ang FBI sa pagraid sa abogado nitong si Michael Cohen

Binanatan ni US President Donald Trump ang Federal Bureau of Investigation o FBI sa ginawang pag-raid ng mga ito sa opisina at hotel room ng abogado nitong si Michael Cohen.

Ayon kay Trump, maituturing na kahiya-hiya at isang pag-atake sa bansa ang ginawang hakbang ng mga tauhan ng FBI.

Una ng kinumpirma ng abogadong si Cohen ang ginawang raid ng mga tauhan ng FBI sa kasagsagan ng pagbibigay ng pahayag ng pangulo sa usapin sa Syria.

May mga dokumento aniyang kinuha ang mga tauhan ng investigating body kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon laban kay Trump na may kaugnayan sa di umano’y pagkakaroon nito ng relasyon kay Stormy Daniels na isang porn star.

Sa naturang isyu, sinasabing binayaran ng pangulo si Daniels ng US$ 130, 000  para sa serbisyo nito.

Dagdag pa nito Trump, hindi umano patas ang ginagawang pag-atake sa kanya ng mga taga-Democrats.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *