Sen. Sotto, pumalag sa pahayag ni Speaker Alvarez na mabagal ang senado

Dumepensa si Senador Tito Sotto sa naging pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mabagal sa pagpapasa ng mga panukalang batas.

Sa ginanap na forum sa kapihan sa manila bay sinabi ni Sotto na “Slow But Sure” sa sagot nito kay Alvarez na makupad ang senado sa pagpasa ng mga panukalang batas.

Nilinaw ni Sotto kaya mabagal dahil masusi nilang pinag-aaralan at binusisi ng husto ang lahat ng mga nilalaman ng mga isinusumite sa kanila upang matiyak na pakinabangan ng taumbayan.

Ipinagmalaki pa ni Sotto na nasa bicam na ang kanyang panukalang batas na Press Freedom Law dahil ang unang panukala ay print lamang hindi kasama ang tv at radyo kaya naisipan ng senador na magfile sa senado at isinama na ang broadcast media.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *