Mga apektadong OFW sa Kuwait pasok sa “Build, Build, Build“ program ng pamahalaan   

Ulat ni Cherry Light

Sa pagsisimula ng pagdinig ng senado kaugnay sa tumataas na bilang ng mga pang-aabuso at casualties sa ibayong dagat partikular na sa Middle East, ay sinikap ng komiteng may hawak dito na payapain ang loob ng mga apektadong OFW mula sa total deployment ban ng Department of Labor and Employment o DOLE sa mga OFW sa bansang Kuwait.

Sa gitna ng pagdinig Senate Committe on Labor, muling nilinaw ni DOLE Sec. Silvestre Bello III na ang total deployment ay nag-aaplay hindi lang sa mga domestic helpers kundi maging sa mga skilled workers din.

Ani Bello pansamatala lamang ang nasabing order habang inaasikaso pa ng gobyerno ang negosasyon upang linawin ang nararapat na patakaran at polisiya ng dalawang bansa sa mga OFWS.

Sa panig ni Senador Cynthia Villar, pabor ito sa pag-ban ng mga domestic helpers (DH) sa Kuwait dahil aniya halos walumpung porsyento ng mga problema ng OFW ay nanggagaling sa domestic helpers dulot ng pang-aabuso.

May epekto man sa ekonomiya ng bansa pero aminado si Villar na marami pa rin ang bukas na trabaho sa Pilipinas para sa mga ito.

Ganito rin ang naging sentimiyento ni Senate Minorty Leader Franklin Drilon.

Aniya matagal nang dapat na naka-ban ang pagpapadala ng mga DH sa ibang bansa dahil sa mga naitatalang pang-aabuso na minsan na rin naimplementa ilang taon na ang nakakaraan.

Ang problema lang aniya, ay gumagawa pa rin ng paraan ang ilang mga OFW katulad ng pagpapanggap bilang turista pero kalaunay magiging isang OFW.

Umaasa naman si Sen. Manny Pacquiao na makabalangkas agad ang senado ng batas na magpoprotekta at magpapasakop sa mga tao, bansa o ahensiya na mapapatunayan naging pabaya sa pangangalaga sa kapakanan ng mga Pinoy worker abroad

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *