Sec. Roque, handang magbitiw sa puwesto kapag naipasa ang Fake News Bill

HANDA umanong magbitiw sa puwesto si Presidential Spokesman Harry Roque sa sandaling makapasa at maging batas ang panukalang “Bill Fake News” ni Senadora Grace Poe.

Ayon kay Roque, hindi konsintidor si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapakalat ng fake news.

Iginiit ni Roque na labag sa konstitusyon partikular sa freedom of expression ang panukalang batas ni Poe na parusahan ang mga opisyal ng gobiyerno na magpapakalat ng fake news.

Una nang inihayag ni Poe na may legal na basehan para parusahan ang mga opisyal ng gobyerno kumpara sa mga pangkaraniwang mamamayan.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *